Binanatan ng Malacañang ang opposition coalition dahil sa panlalait nito sa posibleng pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente sa nalalapit na eleksyon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magmumukhang katawa-tawa ang oposisyon sakaling magpasya ang angulo na tumakbo para sa public office sa susunod na taon.
Pero sa ngayon aniya ay wala pang desisyon si Pangulong Duterte hinggil dito.
Matatandaangt sinabi ng 1Sambayan na ang vice presidential bid ni Pangulong Duterte sa 2022 elections ay isang pinakamalalang joke.
Anila, ang posibleng pagtakbo ni Pangulong Duterte ay panlilibak sa Konstitusyon.
Facebook Comments