Malacañang sa oposisyon: ‘kita-kits na lang sa eleksyon’

Pinayuhan ng Malacañang ang mga miyembro ng oposisyon na hintayin ang halalan sa susunod na taon para magkaalaman kung hindi iboboto ng mga tao ang mga pambato ng administrasyon.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sabihin ng opposition coalition na 1Sambayan na hindi susuportahan ng publiko ang Duterte-Duterte tandem.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malalaman lamang ang tunay na sentimiyento ng mga tao sa araw ng halalan.


Pagtataka ni Roque kung bakit ipinagmamalaki ng oposisyon na sila ang may alam ng pulso ng taumbayan.

“Kung titignan niyo ang surveys, wala pa pong limang porsyento ang hindi sumusuporta sa ating Presidente. So mag-ingat po tayo,” sabi ni Roque.

“Bagama’t sinasabi nating kayo ay boses ng taumbayan, baka boses lang kayo ng isang barangay,” dagdag pa ng Palace official.

Facebook Comments