Malacañang, sinagot ang umano’y pagbawi ng security detail ni Sen. Bato dela Rosa

Sinagot ng Malacañang ang reklamo ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na tinaggalan siya ng security details ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, posibleng walang dinatnan na security detail ang senador dahil sa kanyang pag-alis at hindi pagpaparamdam nitong mga nakalipas na araw.

Hindi naman kasi aniya pwedeng nakatambay at naghihintay lang ang kanyang security detail habang siya ay nasa biyahe kaya posibleng dineploy ito sa ibang unit.


Kaya naman hamon ni Castro kay Dela Rosa, magpakita na sa publiko para hindi maging problema ang usapin sa kaniyang security detail.

Samantala, sinabi rin ni Castro na hindi tinanggalan ng security detail si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang arestuhin ng Interpol.

Paglilinaw ni Castro, may piniling security detail ang dating pangulo nang bumiyahe papuntang The Netherlands pero wala na aniya silang impormasyon kung ano ang naging desisyon ng International Criminal Court kaugnay ng presensya ng security detail ni Duterte.

Facebook Comments