Sinimulan na ng Malacañang ang countdown, isang linggo bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Presidential Communications Office, ang kahulugan ng SONA o ang taunang okasyon ay pormal na iniuulat ng pangulo ang mga proyekto, direktiba, at prayoridad ng Administrasyon.
Kasabay rin ito ng pagbubukas ng regular session ng Kongreso.
Kasunod nito, hinikayat ng Malacañang ang mga Pilipino na sama-samang pakinggan ang ikatlong SONA ni PBBM.
Dito ilalahad ng pangulo ang mga tagumpay sa nagdaang taon, para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng isinusulong na Bagong Pilipinas.
Facebook Comments