Malacañang, sinuspinde na ang pasok sa gobyerno at klase sa lahat ng antas bukas sa ilang lugar sa bansa dahil sa Bagyong Opong

Sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ito ay dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Opong na patuloy na lumalapit sa kalupaan ng bansa.

Batay sa inilabas na kautusan ng Malacañang na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, suspendido na ang pasok sa gobyerno at klase sa Metro Manila, Biliran, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Masbate, Romblon at Sorsogon.

Suspendido rin ang pasok sa eskwela sa mga probinsya ng Aklan, Albay, Antique, Batangas, Bataan, Camarines Norte, Camarines Sur, Capiz, Cavite, Catanduanes, Guimaras, Iloilo, Laguna, Leyte, Marinduque, Negros Occidental, Oriental Mindoro, Rizal at Quezon Province.

Sa kabila nito, mananatiling bukas ang mga ahensyang may kinalaman sa basic, vital, at health services, gayundin sa mga gawain para sa paghahanda at pagresponde.

Nakadepende naman sa pasya ng mga management ang suspensyon ng pasok sa pribadong sektor.

Facebook Comments