
Simula ngayong ala-una ng hapon, suspendido na ang pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Metro Manila.
Ayon sa Malacañang, wala nang pasok sa opisina at mga paaralan sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan.
Ito ay bunsod pa rin ng nararanasang pag-ulan na nagdulot na ng pagbaha sa maraming lugar.
Samantala, hindi kasama sa suspensyon ang mga ahensya na may kinalaman sa emergency services at pagresponde sa mga kalamidad.
Facebook Comments









