Malacañang, sisiguraduhing tatayo sa korte ang mga kaso sa flood control anomaly

‘Kalma lang.’

’Yan ang mensahe ng Malacañang sa gitna ng pagkwestiyon ng publiko na wala pa ring napapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, hindi maaaring madaliin ang imbestigasyon dahil kailangang masiguro na matitibay ang ebidensyang ihaharap para tatayo sa korte ang mga kasong isasampa.

Giit ni Castro, kahit gaano karami ang kaso, mababalewala rin kung mababasura lang ito dahil kulang sa ebidensya.

Dapat aniyang hayaang tapusin ng Independent Commission for Infrastructure ang pagkolekta ng mga dokumento upang maging matibay ang mga kaso laban sa mga tiwaling opisyal.

Tiniyak ng Malacañang na pursigido ang pamahalaan na papanagutin ang mga sangkot sa paglustay ng pondo ng taumbayan ngunit sa paraang siguradong magtatagumpay sa korte.

Facebook Comments