Malacañang, sumusunod lang sa batas pagdating sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy

“Dapat sundin ang batas”

Ito ang maikling tugon ni Executive Secretary Lucas sa mga nagsasabing nahaluan ng pulitika ang nangyayari kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani, sinabi ni Bersamin na may proseso ang batas at sumusunod lamang ang pamahalaan dito.


Si Quiboloy ay may warrant of arrest sa kasong human trafficking at sex trafficking at may ilang buwan na ring pinaghahanap ng mga awtoridad.

Samantala, tumanggi namang magkomento si Bersamin sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Kahapon ay humingi ng tawad ang bise presidente sa lahat ng miyembro ng KOJC matapos umano nitong hikayatin na iboto si Pangulong Marcos noong eleksyon 2022.

Facebook Comments