
Iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema na ipatigil ang pagpapatupad ng Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act of 2025 o Bangsamoro Autonomy Act No. 77.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, susunod ang pamahalaan sa kautusan ng korte kahit nangangamba silang makaapekto ito sa nakatakdang halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kamakailan ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court laban sa BAA 77, na layong baguhin ang parliamentary districts at ilipat ang pitong puwesto na dating nakalaan para sa Sulu.
Bunsod nito, sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang paghahanda para sa BARMM elections na itinakda sa Oktubre 13.
Facebook Comments









