Tanggap na ng Malakanyang na walang magandang sasabihin si Vice President Leni Robredo tungkol sa pagtugon ng administrasyong Duterte sa COVID-19 pandemic.
Kasunod ito ng pahayag ni Robredo na walang konkretong plano ang national government para labanan ang virus at walang magbabago kung tatanggalin si Health Secretary Francisco Duque III sa pwesto dahil ang problema ay nasa sistema.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may karapatan ang Pangalawang Pangulo na magsabi ng opinyon at bilang lider ng oposisyon.
Aniya, pwedeng sabihin ng Bise Presidente lahat ng negatibong bagay sa administrasyon pero suportado pa rin ng mga Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit pa ni Roque, umaksyon ang gobyerno kaya mababa na lamang ang mortality rate ng COVID-19 sa bansa at nag-improve ang kapasidad ng mga ospital na gamutin ang mga severe at critical cases.