Malacañang, tatanungin si Pangulong Duterte kung tatakbo ito sa pagka-VP sa susunod na halalan

Aalamin ng Malacañang kung nagbago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte at tumakbo bilang pangalawang pangulo sa 2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kokonsultahin niya ang Pangulo sa kanyang bagong pananaw rito.

Aniya, sinabi ng Pangulo na bakit pa siya tatakbo sa mababang posisyon kung naging presidente na siya.


Nabatid na ilang miyembro ng PDP-LABAN ang humihikayat sa kanya na tumakbo sa vice presidential position sa susunod na halalan.

Nais ng grupo na maipagpatuloy ang mga economic reforms ng administrasyon at ang pandemic response.

Facebook Comments