Tikom ang bibig ng Palasyo ng Malacañang sa ginawang magkahiwalay na pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga senador at kongresista.
Ito’y kasunod ng naantalang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting na nauwi na lamang sa magkahiwalay na executive sessions.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, hindi sila makapagbibigay ng detalye dahil itinuturing na confidential ang napag-usapan sa executive sessions.
Matatandaang nakansela ang LEDAC meeting dahil sa girian sa pagitan ng Senado at Kamara dahil sa pilit na pagsusulong ng People’s Initiative ng mga kongresista, na tinututulan naman ng mga senador.
Dahil dito, nagpasya si Pangulong BongBong Marcos na hiwalay na lamang na makipagpulong sa mga senador at kongresista.