Malacañang, tikom pa ang bibig sa naging pahayag ni FL Liza vs VP Sara

Nananatiling tahimik ang Palasyo ng Malacañang sa mga naging pahayag ni First Lady Liza Araneta -Marcos kay VP Sara Duterte at sa mga kritiko ng First Family.

Matatandaang tahasang sinagot ng first lady ang mga personal na atake laban sa kaniya sa isang YouTube vlog.

Dito ay inamin din ng unang ginang na bad shot na si VP Sara sa kaniya kasunod ng pagdalo nito sa isang prayer rally.


Hinamon din ni First Lady Marcos ang pro-Duterte vloggers at kritiko ng First Family.

Hanggang sa pinakahuling aktibidad ni Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga, ay hindi pa rin ito nagpapaunlak ng panayam sa media.

Pero bago pa man maipalabas ang interview sa unang ginang, una nang inilarawan ni PBBM na “kumplikado” ang relasyon niya sa pamilya Duterte.

Gayunman, hindi aniya nagbabago ang relasyon nila ni VP Sara mula noong kampanya hanggang ngayon.

Facebook Comments