Malacañang, tikom pa rin sa pag-aresto kay Venezuelan President Nicolas Maduro

Wala pa ring pahayag ang Malacañang kaugnay ng pag-aresto ng puwersa ng Estados Unidos kay Venezuelan President Nicolas Maduro, sa kabila ng magkakaibang reaksiyon ng mga lider ng iba’t ibang bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, usaping foreign policy ang naturang pangyayari kaya mas nararapat itong sagutin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng pangulo mismo.

Sa ngayon, ipinaubaya muna ng palasyo sa mga kinauukulang ahensiya ang pagbibigay ng pahayag.

Nauna ng sinabi ng DFA na handa ang Embahada ng Pilipinas sa Bogota, Colombia na magbigay ng tulong at naglabas na rin ng travel at safety advisory para sa kaligtasan ng mga Pilipino na maaaring maapektuhan.

Facebook Comments