Umaasa ang Malacañang na mas maraming tao ang mahikayat na magtrabaho sa State Weather Agency lalo na at may magandang compensation package ang naghihintay sa kanila.
Ito ang tugon ng Palasyo dahil maraming local weathermen ang nais magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mataas na sahod.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, itinaas na ng gobyerno ang sahod ng mga government personnel.
Kinikilala rin nila ang mahalagang trabaho ng mga meteorologist sa isang bansang madalas nagkakaroon ng kalamidad at sakuna.
Malaki ang pasasalamat ng sambayanang Pilipino sa mga kawani at empleyado ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Pinuri din ng Palasyo ang frontliners na nasa rescue at relief operations sa itinuturing na modern-day heroes.