Malacañang, tiniyak ang tuloy-tuloy na ang oportunidad para sa mga Pilipino kasunod ng pagbaba ng unemployment rate noong Pebrero

PHOTO: Presidential Communications Office

Makaaasa ang publiko ng tuloy-tuloy na paglikha ng gobyerno ng iba’t ibang oportunidad para sa trabaho at hanapbuhay ng mga Pilipino.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos umangat sa 96.2% ang employment rate o antas ng mga Pilipinong may trabaho noong Pebrero, mula sa 95.7% noong Enero.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, patunay ang pag-angat ng employment rate sa magandang pamamalakad ng gobyerno para mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong makapagtrabaho at makapaghanapbuhay.


Tiniyak ng Palasyo ang tuloy-tuloy na pagpatutupad ng mga programa at pagbubukas ng mga oportunidad, lalo na sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at iba pang mahihirap na sektor.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba naman sa 3.8% ang unemployment rate o antas ng mga walang trabaho noong Pebrero, mula sa 4.3% noong Enero.

Gayundin ang underemployment rate o mga may trabaho pero hindi sapat ang kinikita, na mula sa 13.3% ay bumaba rin sa 10.1%.

Facebook Comments