Malacañang, tiniyak na babayaran ng pamahalaan ang utang nito sa PH Red Cross

Tiniyak ng Malacañang sa Philippine Red Cross (PRC) na hindi kakalimutan ng gobyerno ang obligasyon nito na bayaran ang utang sa organisasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, babayaran ng pamahalaan ang utang nito sa Red Cross.

Iginiit ni Roque, na matagal ang pagbabayad dahil dumadaan ito sa proseso.


Babala naman ni PRC Chairperson Senator Richard Gordon, posibleng mahinto muli ang pagsasagawa ng COVID-19 testing dahil lumolobo muli ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na umakyat na sa 659 million pesos.

Binigyang diin ni Gordon na dapat patuloy ang pagbabayad para maipagpatuloy ang serbisyo.

Bago ito, nahinto ang COVID-19 testing services ng Red Cross nang sumampa sa 1 bilyong piso ang utang ng PhilHealth.

Agad itong ipinagpatuloy nang bayaran ng pamahalaan ang kalahati ng kabuuang halaga ng utang nito.

Facebook Comments