Walang ‘favoritism’ ang pamahalaan sa mga potensyal na bakuna laban sa COVID-19 vaccine suppliers at tiniyak na ligtas at epektibong bakuna ang papasok sa bansa.
Ito ang depensa ng Malacañang matapos bumili ang gobyerno ng milyong doses ng Chinese vaccine na gawa ng Sinovac Biotech.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bakuna ng Sinovac ang tanging available para sa delivery sa unang bahagi ng taon.
Paliwanag pa ni Roque, napagpasyahan ng gobyerno na kumuha ng supply mula sa Sinovac lalo na at wala pang supply commitment mula sa Pfizer, AstraZeneca o Moderna.
Ang Pfizer aniya ay nasa ikalawa at ikatlong kwarter pa ng 2021 makakapagpadala ng vaccines supply.
Dagdag pa ni Roque ang halaga ng bakuna ay bahagi ng ikinokonsidera ng gobyerno.
Sinabi naman ni Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, na ang Sinovac ang isa sa mas cooperative at most active vaccine suppliers na nakikipagnegosasyon sa bansa.
Una nang inanunsyo ng pamahalaan na plano nang isapinal ang negosasyon sa Chinese biopharmaceutical firm ngayong linggo para makakuha ng 25 million doses ng bakuna.
Ang Chinese company ay handang magpadala ng supply ng bakuna sa Pilipinas pagsapit ng Abril 2021.