Malacañang, tiniyak na hindi gagamitin ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Law laban sa mga nagpoprotesta

Tiniyak ng Malacañang na hindi gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Law laban sa mga nagsasagawa ng protesta.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang abogado si Pangulong Duterte at apat na taon nang nanunungkulan sa kanyang opisina.

Aniya, malaya ang sinuman na magsagawa ng kilos protesta.


Sinabi rin ni Roque na welcome sa pamahalaan ang lahat ng petisyon laban sa batas.

Matatandaang iginigiit ng mga tutol sa batas na hindi sapat ang safeguards nito mula sa abuso ng mga awtoridad sa mga indibidwal na ipinaglalaban lamang ang kanilang civil at political rights.

Facebook Comments