Malacañang, tiniyak na hindi isinusuko ng Pilipinas ang claims nito sa West Philippine Sea

Nanindigan ang Malacañang na walang isinusuko ang Pilipinas na kahit ni-isang pulgada ng teritoryo nito, kabilang ang pag-aangkin nito sa West Philippines Sea (WPS).

Ito ang pahayag ng Palasyo kasunod ng pag-aakusa ng China sa Pilipinas na nagsasagawa ng “provocative actions” sa pinagtatalunang karagatan.

Pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi bibitawan ng Pilipinas ang WPS.


Aniya, ‘consistent’ pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pangakong hindi ibibigay ang kahit katiting na bahagi ng national territory o sovereign rights sa anumang bans

Nabatid na naghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatic protest laban sa China dahil sa iligal na pagkukumpiska sa kagamitan ng mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc, at pagraradyo sa Philippine Aircraft na nagsasagawa ng maritime patrols sa WPS.

Facebook Comments