Malacañang, tiniyak na hindi lalagpas si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang termino

Tiniyak ng Malacañang na hindi lalagpas si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang termino at bababa sa takdang panahon kasunod ng isinusulong na Revolutionary Government o RevGov.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang suporta mula sa gobyerno ang isinusulong na RevGov.

Malinaw aniya na sa simula pa lamang ay constitutional government ang uri ng pamamalakad ni Pangulong Duterte.


Giit pa ni Roque, walang dapat ipangamba ang publiko dahil ang ganitong inisyatibo ay naglalayon lamang na mapalawig ang termino ng kasalukuyang administrasyon na malayo sa pag-iisip ng Pangulo.

Facebook Comments