Tiniyak ng Malacañang na patuloy ang pamamahagi ng cash aid at iba pang uri ng assistance kahit mapaso ang batas na nagbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng special powers para tugunan ang COVID-19 crisis.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matatanggap pa rin ng mga benepisyaryo ang tulong na nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One Act na mapapaso sa June 25.
Hindi rin nito maaapektuhan ang second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) at iba pang relief assistance.
Ipinunto rin ni Roque na kung walang nakasaad na expiration date, ang special powers ay awtomatikong mawawala kasabay ng recess ng Kongreso alinsunod sa constitutional provision.
Facebook Comments