Malacañang, tiniyak na mababayaran ang mga hotels na tumatanggap ng OFWs para sa quarantine

Tiniyak ng Malacañang na ang mga hotels na nagsisilbing quarantine facility para sa repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) ay mababayaran kapag naayos ang mga kaukulang dokumento.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos lumabas sa ulat na ang utang ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga hotel ay umaabot na sa ₱250 million.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakapagbayad na ang OWWA ng 10% utang nito sa mga hotel o nasa ₱2.3 million.


Paniniguro ni Roque na mababayaran ang mga utang sa mga hotels pero ang proseso sa pagbabayad ay matagal dahil may mga patakarang kailangang sundin.

Una nang kinumpirma ng Hotel Sales and Marketing Association na ipinadala na ng OWWA ang initial payment nito noong Miyerkules, Nobyembre 4, 2020.

Facebook Comments