Malacañang, tiniyak na mababayaran ang utang PhilHealth sa PRC

Tiniyak ng Malacañang na mababayaran ang utang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) para sa COVID-19 test bilang bahagi na rin ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangang sundin ang verification at audit rules bago mabayaran ng PhilHealth ang obligasyon nito sa Red Cross.

Iginiit ni Roque na hindi isang pribadong organisasyon ang PhilHealth kaya kailagnang sumunod sa mga patakaran ng Commission on Audit (COA).


Pero pagdating sa track record, nababayaran naman ng PhilHealth ang utang nito.

Una nang sinabi ni PRC Chairperson Senator Richard Gordon na lumobo na sa higit 700 bilyong piso ang utang state health insurer sa kanila.

Facebook Comments