Malacañang, tiniyak na makatatanggap ang mga Pilipino ng ligtas at mabisang bakuna laban sa COVID-19

Tiniyak ng Malacañang na ang lahat ng Pilipino ay makatatanggap ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 sa ilalim ng national vaccination roadmap na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na uunahin ang mga mahihirap, frontliners, mga sundalo, pulis at iba pang servicemen sa mga mababakunahan.

Binigyang diin ni Roque na ang ikinokonsidera sa pagpili ng potensyal na bakuna ay kung ligtas at mabisa ito.


Maraming paraan ang pamahalaan para magkaroon ng access sa bakuna, tulad ng COVAX facility, government-to-government arrangement at bilateral deals sa mga vaccine company.

Posible ring magkaroon ng tripartite agreement sa pagitan government-private sector at ng pribadong kumpanya.

Mayroon ding multilateral options tulad ng pooled purchase ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), World Bank, Asian Development Bank (ADB) at iba pa.

Ang Department of Health (DOH) naman ang nakatutok sa polisiya, pamantayan at istratehiya para sa immunization.

Facebook Comments