Susundin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Republic Act 11709 o ang batas na nagpapahintulot na magsisilbi ng three-year fixed terms ang ilang matataas na opisyales ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang pahayag ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles sa press briefing sa Malacañang.
Sinabi nito na kailangang sumunod ang pangulo dahil ito ay ganap ng batas.
Kaya naman aasahan na magtatagal sa pwesto hanggang taong 2023 si AFP Chief of Staff General Andres Centino.
Batay sa batas, na bukod sa AFP Chief of Staff, mauupo rin ng tatlong taon ang AFP Vice Chief of Staff, Deputy Chief of Staff, commanding generals ng Army, Navy at Air Force, inspector general at chief of unified commands.
Sa ngayon ayon kay Angeles, wala pang listahan ang pangulo kung sino ang posibleng pumalit kay Centino kapag natapos ang termino nito sa susunod na taon.