Tiniyak ng Malakanyang na nakabantay sila sa bagong variant ng COVID-19 na natukoy sa South Africa.
Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa World Health Organization (WHO) kung idedeklara ba ito bilang isang variant of concern o variant of interest.
Aniya, hindi naman nagpapabaya ang Pilipinas at patuloy ang pagsasagawa ng genomic surveillance sa COVID samples para ma-monitor pa rin ang mga variant ng virus sa bansa.
“Of course the DOH is aware, the IATF is also aware. We are monitoring ‘no, intently monitoring itong situation na ito. Patuloy pa rin po ang ating ginagawa na genomic surveillance on the ground at patuloy rin po iyong pakikipag-ugnayan natin sa WHO. We are in communication, constant communication with WHO and monitoring developments on their front especially awaiting their advisories kung ito bang variant na ito is considered a variant of interest or a variant of concern. But rest assured sa ating mga kababayan na minu-monitor natin ito intently.” ani Nograles
Una nang iniulat ng mga scientist sa South Africa na may multiple mutations ang B.1.1.529 na dahilan umano ng panibagong surge ng COVID-19 doon.