Nilinaw ng Malacañang na walang preferential treatment na ibinibigay ang pamahalaan sa alinmang lugar sa bansa pagdating sa paglalaan ng supply ng COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang alokasyon ng Pfizer vaccines sa Metro Manila, Cebu at Davao ay pantay-pantay lalo na at mahigpit ang cold storage requirement ng bakuna.
Iginiit din ni Roque na ang Pfizer ay ginawa para sa first world conditions.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroong 193,050 doses ng Pfizer vaccines sa ilalim ng COVAX Facility at may karagdagang dalawang milyon ang darating sa susunod na buwan.
Ang Pfizer vaccines ay 95% na epektibo at nangangailangan ng -70 degrees Celcius na ultra-freezing temperature.
Facebook Comments