
Tiniyak ng Malacañang na pipirmahan agad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magbibigay sa kanya ng kapangyarihang bawasan o suspendehin ang excise tax sa langis.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hinihintay na lang ng pangulo na makarating sa kaniya ang kopya ng panukalang naaprubahan na ng Senado at Kamara.
Pero paliwanag ng palasyo, kahit maisabatas ito, hindi agad ipatutupad ang tapyas-buwis dahil may sinusunod na kondisyon.
Giit ng Malacañang, nakahanda ang pangulo na gamitin ang kapangyarihang ito pero gagawin lamang ito kapag pasado sa itinakdang kundisyon ng batas.
Facebook Comments










