Malacañang, tiniyak na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na El Niño

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na matatag ang suplay ng kuryente sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na El Niño.

Ito ay batay na rin sa ulat ng Department of Energy (DOE) sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Joey Villarama, hanggang sa ngayon ay walang major power outages ang naitala mula nang tumama ang tagtuyot sa bansa.


Isolated case lamang aniya ang klasipikasyon kung mayroon mang mga nangyayaring blackout, tulad ng nangyari sa Panay.

Bukod dito, tinututukan na rin aniya ng ng pamahalaan ang seguridad sa pagkain, tubig, public health, at public safety na parehong mitigation measures ng El Niño at La Niña.

Dagdag pa ni Villarama, na direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maghanap na ng solusyon bago pa man dumating ang mga posibleng epekto ng matinding tag-init.

Facebook Comments