Tiniyak ng Malacañang sa mga abogado na hindi nila kailangang matakot para sa kanilang buhay dahil hindi kinukonsinte ng gobyerno ang kahit ano mang iregular na aktibidad ng isang intelligence officer na humihingi ng pangalan ng mga abogadong kumakatawan sa communist-terrorist groups.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos sibakin ni Philippine National Police Officer-in-Charge Lieutenant General Guillermo Eleazar ang intel officer ng Calbayog Police na si Lieutenant Fernando Calabria dahil sa paghingi ng kopya sa korte ng listahan ng mga abogado ng mga rebeldeng komunista.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pinapayagan ng pamahalaan ang mga ganitong “unprofessional” at “irresponsible” na gawain.
Una nang humingi ng paumanhin si Eleazar sa ginawa ni Calabria at tiniyak na iimbestigahan ang pangyayari.