Malacañang, tiniyak na walang mangyayaring RevGov

Tiniyak ng Malacañang na matutuloy ang 2022 national at local elections sa itinakda nitong schedule.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasabay ng paninindigang walang itatatag na revolutionary government (RevGov).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ihahalal ang susunod na pinuno ng bansa sa susunod na taon.


Magtatapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022.

Magugunitang may grupo na sumusuporta kay Pangulong Duterte na nananawagan sa pagtatatag ng RevGov para maisulong ang Pederalismo.

Facebook Comments