Malacañang, tiniyak na walang mangyayaring security breach sa pagpapatayo ng DITO cell sites sa mga kampo ng militar

Tiniyak ng Malacañang na hindi mauuwi sa security breach ang pagpayag ng Department of National Defense (DND) sa DITO Telecommunity na magtayo ng cell sites sa mga kampo ng militar.

Nabatid na naghayag ng pagkabahala ang ilang mambabatas sa pagpayag sa ikatlong telco na mag-operate sa loob ng military premises.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, layunin lamang nito ay mapabuti ang telecommunications connectivity.


Mahalaga aniya ito para makapag-operate na ang ikatlong telco.

Iginiit din ni Roque na hindi lamang ang DITO ang gumagamit ng cell towers sa loob ng military camps, kundi maging ang dalawa pang telco na Smart Communications at Globe Telecom.

Bago ito, inaprubahan ng Kamara ang panukalang i-renew ang prangkisa ng DITO Telecommunity ng 25 taon.

Facebook Comments