
Tiniyak ng Malacañang na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga botanteng nananatili sa evacuation centers dahil sa paga-alboroto ng Bulkang Kanlaon at Bulusan.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagkaroon na ng isang Memorandum of Agreement na layuning paigtingin ang serbisyo at koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Ito ay para magamit pa rin ng mga nagsilikas ang kanilang karapatang makaboto sa darating na halalan.
Kinikilala aniya ng gobyerno ang kahalagahan ng boto ng bawat Pilipino, kahit pa sa panahon ng kalamidad o sakuna, at hindi aniya hahayaan ng pamahalaan na mahadlangan ang karapatang makaboto ng sinuman.
Sabi ni Castro, makakaasa ang mga nagsilikas na magkakaroon pa rin ng polling precincts, para sa mga nanananatili sa evacuation centers.








