Malacañang, tiwalang ipatutupad ni Magalong ang batas kasunod na kontrobersyal na Baguio Party

37

Tiwala ang Malacañang na ipapatupad ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang batas kasunod ng kontrobersyal na party ng celebrity na si Tim Yap.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nangako si Magalong na aaksyunan niya ang nangyari.


Inamin naman aniya ng alkalde na nagkaroon ng pagkukulang sa pagpapatupad ng health protocols sa event.

Gayumpamang, nananatiling buo ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Magalong.

Sa kabila nito, hindi tiyak si Roque kung may pananagutan si Magalong sa quarantine violations.

Matatandaang inamin ni Magalong na nagpunta sila ng kanyang asawa sa event ni Tim Yap matapos silang maimbitahan.




Facebook Comments