Thursday, January 15, 2026

Malacanang, tiwalang magagawa pa ring magrekomenda ng kaso ng ICI kahit mag-isa si Justice Reyes

Tuloy pa rin ang pagrekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng mga kaso kaugnay sa flood control anomaly kahit si Justice Andres Reyes Jr. na lamang ang natitirang miyembro ng ICI.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tapos na ang bahagi ng trabaho ng dating mga miyembro ng komisyon at nasa yugto na lamang ng pagsasama-sama at pag-aayos ng mga dokumento at ebidensya ang imbestigasyon.

Dagdag pa ng Malacañang, sapat na ang mga nakalap na impormasyon upang maisumite sa Department of Justice (DOJ) at sa Office of the Ombudsman ang mga kasong maaaring isampa laban sa mga sangkot.

Bagama’t mas mainam sana ang mas maraming imbestigador, giit ng Palasyo na hindi ito hadlang upang ituloy ang pananagutan at mapanagot ang mga responsable sa umano’y katiwalian sa flood control projects.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang Palasyo kung kailan makakapagtalaga ng kapalit sa mga umalis na miyembro ng komisyon.

Facebook Comments