Malacañang, tiwalang makababangon ang ekonomiya sa 2021

Kumpiyansa ang Malacañang na muling sisigla ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon matapos magkaroon ng recession year bunga ng COVID-19 pandemic.

Ito ang pahayag ng Palasyo kasabay ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa ang mga economic managers na makababawi ang ekonomiya ngayong taon.


Aminado si Roque na ang 2020 ay naging challenging year para sa Pilipinas dahil sa mga nagdaang kalamidad at pandemya.

Naitala sa ekonomiya ng Pilipinas ang -16.9% sa second quarter ng 2020, kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Pero nagkaroon ng improvement pagsapit ng ikatlong quarter ng 2020 nang buksan ang ekonomiya at pagbabalik ng pampublikong transportasyon.

Sinabi rin ni Roque na ang pagtatalaga kay National Task Force Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. bilang vaccine czar ay layong matiyak na may access ang Pilipinas sa potensyal na COVID-19 vaccine.

Facebook Comments