Malacañang, tiwalang mapupunan ng DFA ang nauubos na pondo para sa passport production

Kumpiyansa ang Malacañang na makahahanap ng paraan si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na mapuno muli ang pondo ng ahensya para sa pag-iisyu ng pasaporte.

Matatandaang isiniwalat ni Locsin sa kaniyang Twitter na ang passport revolving fund ng DFA ay ubos na.

Ang DFA ay may utang sa APO Production Unit, isang state corporation na nagkakahalaga ng ₱388 million para sa pag-iimprenta ng passport booklets.


Ang passport fund, ayon kay Locsin ay naubos dahil sa travel allowances, insurance at iba pang miscellaneous expenses.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwala siya na makahahanap ng pondo si Locsin.

Idudulog niya ang isyung ito kay Budget Secretary Wendel Avisado.

Tugon ni Locsin sa pamamagitan muli ng Twitter, na isasantabi muna ang mga biyahe abroad para makatipid ng pondo.

Hihingi siya ng tulong kay Avisado para mag-realign ng pondo.

Facebook Comments