Malacañang, tiwalang masusunod pa rin ang quarantine protocols

81

Buo ang tiwala ng Malacañang na susundin pa rin ng publiko ang quarantine protocols kasabay ng pagpapaluwag ng quarantine restrictions.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, napatunayan sa loob ng lockdown period na kayang sumunod at maging disiplinado ang mga Pilipino.


Pero nagbabala pa rin si Roque na posible pa ring ipatupad ang mahigpit na quarantine measures kapag tumaas muli ang kaso ng COVID-19.

Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR) sa General Community Quarantine sa June 1 hanggang 15.

Facebook Comments