Naniniwala ang Palasyo na hindi ang mas mataas na buwis sa mga sasakyan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law ang dahilan kaya’t magsasara ang planta ng Honda Cars Philippines Inc. (HCPI) sa Santa Rosa, Laguna.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kabila na rin ng panawagan ng mga labor groups na reviewhin ang TRAIN law dahil baka masundan pa anila ng pagsasara ng ibang kumpaniya ang pagpapatupad dito, dahil tila nalilimitahan ang tax privileges ang mga ito.
Ayon kay Secretary Panelo, hindi naman dahil sa buwis kaya’t nagsara ang Honda PH. Una na raw sinabi ng kumpaniya na dahil ito sa cost competitiveness sa local operations.
Bukod dito, dati naman aniyang mayroong pagtataas sa buwis.
Ayon sa Kalihim, sa kasalukuyan ay pinagaaralan na ng mga economic managers ang magiging consequence ng pagsasarang ito at tiyak naman aniya na ang kanilang magiging konklusyon ay para sa kabutihan ng mas nakararami.