Saturday, February 14, 2026

Malacañang, tutol sa pahayag na mahina ang mga kabataang may problema sa mental health

Tinutulan ng Malacañang ang pahayag ni Senador Robin Padilla na mahina ang mga kabataan dahil sa pagharap sa depresyon at iba pang problema sa mental health.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi tama na maliitin ang kabataan dahil sila pa rin ang pag-asa ng bayan at dapat silang unawain, hindi husgahan.

Maaaring may nais lamang aniyang tugunan ang senador tungkol sa mga isyung kinahaharap ng kabataan pero hindi aniya ito sapat na dahilan para tawaging mahina ang mga ito o balewalain ang kanilang nararamdaman.

Binigyang-diin din ng Palasyo na may mga programa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mapabuti ang edukasyon at kalusugan ng mga kabataan, kabilang ang suporta sa mental health.

Facebook Comments