Malacañang, umaasang aayos na ang trapiko sa Pilipinas

Kumpiyansa ang pamahalaan na matatanggal na ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamalalang trapiko.

Ito ay dahil nagpapatuloy ang mga proyektong imprastraktura ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaasahang bubuti ang kondisyon ng mga kalsada dahil sa mga isinasagawang transportation at infrastructure projects.


Kabilang sa mga maipagmamalaki ay ang pagtatayo ng Metro Manila subway at pagpapalawak ng railway systems sa Metro Manila na kokonekta sa mga kalapit probinsya.

Batay sa 2020 Traffic Index Report ng Numbeo, ang Pilipinas ay pang-siyam sa may pinakamalalang trapiko sa buong mundo.

Facebook Comments