MANILA -Umaasa ang Malacañang na hindi magagamit sa pagpapatalsik sa puwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kilos-protesta kontra sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani ngayong araw.Sinabi ni Communications Assistant Sec. Ana Marie Banaag, na hindi maikakaila na may mga grupong nagsasamantala sa sitwasyon at nagnanais na mapatalsik ang pangulo.Dagdag ni Banaag, kung may ikinakasa mang ‘ouster plot,’ ito ay ‘politically-motivated’ at hindi naman nangangahulugang hindi magaling at tamad ang pangulo.Samantala, kaninang umaga pa lamang ay naka-set up na ang ilang mga progresibong grupo bilang paghahanda sa isasagawang programa mamayang hapon sa Rizal Park sa Maynila at 13 pang mga rally sites sa bansa bilang bahagi ng tinaguriang black friday protest.Aabot naman sa 300 hanggang 400 na mga kapulisan ang ipapakalat sa Luneta Park para matiyak ang seguridad.
Malacañang, Umaasang Hindi Sasamantalahin Ang Isasagawang Black Friday Protest
Facebook Comments