Tuesday, February 17, 2026

Malacañang, umalma sa paratang na ‘diversionary tactics’ ang ICC findings laban sa ilang Senador

Mariing itinanggi ng Malacañang ang paratang ng PDP-Laban na ginagamit ng administrasyon ang usapin sa Internation Criminal Court (ICC) para ilihis ang atensyon ng publiko mula sa isyu ng korapsyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang basehan ang akusasyon dahil matagal nang naisampa ang kaso sa ICC, bago pa man maupo sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Giit ni Castro, walang kontrol ang pamahalaan sa proseso ng ICC kaya’t hindi raw dapat isisi sa administrasyon ang pagkakasama nina Senador Ronald “Bato” dela Rosa at Senador Bong Go sa kaso kaugnay ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Dagdag pa ng Malacañang, noon pa man ay may mga ulat na tungkol sa umano’y pagkukulang sa ilang operasyon kontra droga, kabilang ang naging pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na may nakita siyang mali sa ilang hakbang.

Facebook Comments