
May mensahe ang Palayo sa mga Pilipinong botante abroad, kasunod ng pagsisimula ng overseas Filipino voting.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nawa’y gamitin ng mga Pilipinong botante sa abroad ang kanilang karapatang mag-halal ng nararapat na kandidato.
Panawagan ng Palasyo sa overseas voters, huwag magpadala sa impluwensya ng ilan sa gagawing pagboto at sa halip ay bumuto mula sa puso, at hindi dahil sila ay nabayaran.
Ang kailangan aniya ng Pilipinas ay ang mga lider na karapat-dapat, maaasahan, hindi ibibenta ang bansa sa dayuhan, at higit sa lahat, makabayan.
Kahapon, April 13, nagsimulang gumulong ang internet voting sa abroad na magtatagal hanggang Mayo.
Umaasa naman ang Palasyo na magiging matagumpay at walang mangyayaring aberya sa internet voting.