Malacañang, umapela sa publiko na magtiwala sa proseso ng ICI kasunod ng pagsugod ng ilang raliyista sa tanggapan kahapon

Umapela ang Malacañang sa publiko na magtiwala sa proseso ng imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng pagsugod ng ilang indibidwal sa tanggapan ng ICI kahapon.

Batay sa ulat, ipinahayag ng mga nagprotesta ang kanilang pagkadismaya sa umano’y kakulangan ng transparency at mabagal na pag-usad ng mga kasong iniimbestigahan ng komisyon.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, may sariling mandato at polisiya ang ICI bilang isang independent body, at patuloy nitong tinutugunan ang mga kasong isinasampa laban sa mga sangkot sa anomalya.

Nakapagsumite na rin aniya si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ng mga kaukulang kaso, patunay na tuloy-tuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Panawagan ng Malacañang sa publiko na hayaang umusad ang proseso at bigyan ng panahon ang mga awtoridad na maisagawa nang maayos ang kanilang tungkulin upang mapanagot ang mga dapat managot.

Facebook Comments