
Iginiit ng Malacañang na patuloy na ipaglalaban ng pamahalaan ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) alinsunod sa paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nananatiling legally binding at nagsisilbing cornerstone ng international maritime law ang arbitral ruling na nagsisilbing gabay sa national policy kabilang na ang Philippine Maritime Zones Act, at nagpapalakas sa legal at operational posture ng bansa.
Kaugnay nito hinimok ng Palasyo ang publiko na suportahan ang gobyerno para igiit ang 2016 South China Sea Arbitral Award bilang pundasyon ng national sovereignty.
Ngayong buwan ay ginugunita ng Pilipinas ang ika-siyam na taong anibersaryo ng Arbitral Award na nagpapawalang bisa sa nine dash line claims ng China.
Tiniyak naman ni Castro na patuloy ang commitment ng Pilipinas sa rule of law at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).









