Malacañang, wala pang natatanggap na request para sa pagpapauwi kay FPRRD sa bansa

Wala pang natatanggap ang Malacañang na anumang opisyal na kahilingan mula sa kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng posibilidad na pansamantalang makauwi siya sa bansa.

Kasunod ito ng pahayag ng legal counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman na kumpiyansa silang makakakuha ang dating Pangulo ng pansamantalang kalayaan bago ang nakatakdang confirmation hearing sa Setyembre.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang basehan para talakayin ng administrasyon ang isyu hangga’t walang pormal na kahilingan na isinusumite sa Malacañang.

Dagdag pa ni Castro, anumang aksyon hinggil dito ay pag-aaralan lamang kapag may naipasa nang opisyal na request mula sa kampo ni Duterte.

Facebook Comments