Walang balak ang Malacañang na panagutin ang organizers ng 2019 Southeast Asian Games (SEAG) sa kabila ng mga problemang naranasan ng mga atleta.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi sinasadya ang mga ganitong bagay at natural lamang itong nangyayari sa dami ng atletang paparating sa bansa.
Gumagawa din ng paraan ang mga Organizers upang maging maayos ang ibinibigay na Accomodation sa Foreign Delegation.
Posibleng nagkulang lamang sa Creativity ang PHISGOC at hindi rin malala ang mga naging problema.
Facebook Comments