Malacañang, walang impormasyon sa umano’y paghingi ng asylum ni FPRRD Duterte sa China

COURTESY: ICC/YouTube

Walang impormasyon ang Malacañang tungkol sa umano’y ulat na nag-apply ng asylum si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Kasunod ito ng mga lumalabas na balita na ‘di umano’y tinanggihan daw ng China ang hiling na asylum ni Duterte.

Binantayan pa umano ng Hong Kong police ang hotel kung saan tumuloy ang dating presidente para matiyak na uuwi sya ng bansa.


Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tanging ang alam lamang nila ay ang patungkol sa pag-uwi ni dating Pangulong Duterte mula sa Hong Kong.

Nauna na ring itinanggi ni Atty. Harry Roque ang lumabas na report.

Hindi aniya kasapi ang China at Hong Kong sa 1951 Convention on the Rights of Refugees and Asylum Seekers kaya imposible raw na mag-apply ang dating pangulo ng asylum.

Facebook Comments